Saturday, April 01, 2006

kasal

wow, grabe! ano ba tong taong to?? bukas may pupuntahan na naman akong wedding celebration. actually di siya wedding kasi tapos na yung kasal pero celebration siya na may kinalaman sa wedding. bubunuin ko ata tong taong to na laging may wedding celebration akong pupuntahan kada buwan. so, meron akong pinuntahang christian wedding nung feb, catholic wedding nung march, tapos wedding celebration bukas, bale, april. mukhang papatak ng may kasal nung kapatid ko. ayus! libre pa ko ng june, july, aug, sep, oct, nov kasi sa dec may naka-sked na.

****
bibili ako ng wedding ring pero di para sa kin. waaahhhh...malas kaya kung bibili ako ng wedding ring pero di para sa kin. may pamahiin kaya na may kinalaman dun. baka di na ko makapag-asawa. nyaaaahhhh...kasi nakabili na ko ng wedding ring.

****
gastos magpakasal. parang nasa 50k ang budget twing may if-factor in. kung gusto mo photographer/video, budget dapat nasa 50k. catering, mga nasa 50k. others tulad ng make-up, bridal car, invites, etc, mga nasa 50k. siguro, kung ako magpapakasal, budget ko lang 50k. lahat yun sa pagkain. ai, may simbahan pa pala. saka pala sa simbahan. ganda siguro kung lahat ng tao naka-rubber shoes para komportable. pero dapat may theme pa rin. yung guys, maong saka long sleeves . yung girls, dapat skirts saka blouse. so sneakers lang pala pwede nila suot para bagay sa skirt. at dahil naka-rubber shoes sila, pwede silang pakainin kahit siguro sa ilalim ng puno. tapos yung invite, idadaan ko sa email. di na rin ako mag-gown. uhm..dress lang siguro na puti pero naka-rubber shoes pa rin ako. yung groom, piliin niya gusto niyang suotin. wag lang may butas o kaya plain t-shirt na may print ng produkto sa harap na parang ipinamimigay sa hardware. wala na ring bridal car. maghihintay lang siguro ko dun sa parking lot. tapos lalakarin lang namin yung lugar kung san may reception. kaya dapat lapit lang sa simbahan nung reception. wala na ring wedding cake. maganda nga yung tema nung cupcake na lang yung wedding cake. pagdating sa photography, siguro dapat digital naman para maayos ng kaunti kung mukhang magulo yung mga kuha. sa lahat ng ito, dapat masarap ang pagkain kasi dun dapat babawi. sana rin walang mga bata kasi gumugulo pag may nagtatakbuhang mga bata na di naman maasikaso nung mga magulang.
alas-8 na...

*****
pansin ko na parang nace-censor ko na yung mga sinusulat ko. di na siya raw. di na siya honest tulad nung dati. mukhang may takot pa rin ako sa pagsusulat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home