Saturday, May 27, 2006

libro ni bob ong (stainless longganisa)

>>some excerpts from the book

SAMPUNG PALATANDAAN NA BORED AT MALUNGKOT KA:

10. Nakikipagkwentuhan ka muna ng mga dalawang oras gabi-gabi bago matulog. Sa sarili mo.
9. Pagkatapos ng kwentuhan, naglalaro ka ng solitaire.
8. Pagkatapos ng solitaire, nagbabasa ka ng Yellow Pages.
7. Pagkatapos magbasa, gumagawa ka ng mga gasgas na Top Ten List na tulad nito.
6. Hindi mo tinatapos ang mga Top Ten List na naisip mong gawin

***

"Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. ....Kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat ang isip sa isang babasahin. Kung may pagkakataon ka na gawin ito -- pusanggala, ipayakap mo ang buong papel sa sariling salita! Wag na wag mo tong patatapakan sa iba. Angkinin mo ang bawat sulok ng espasyo na ipinagkatiwala sa 'yo. Dahil hindi ka nadadagdagan sa paggamit sa mga sulating hindi mo gawa, nananakawan ka lang ng napakahalagang punasan ng tinta."

***

"Hindi man lahat ng mamamahayag e manunulat, marami pa ring tao ang nagbuwis ng buhay o dumaan sa matinding paghihirap dahil sa mga isinulat nila. Kaya yata nauso ang alias. Kahit sa mga pipitsuging libro ko, nalaman kong kailangan pala talaga ng bayag para makapagsulat ka. Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo. Hahadlangan ka ng sarili mong mga kakulangan, huhusgahan ka ng mga mambabasa, hahatulan ka ng mga kritiko. Walang takbuhan, walang taguan, wala kang kawala. "

***

"Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Araw-araw may shootout ang manunulat at ang suki niyang demonyo. ... may riot ang mga prinsipyong nasungkit n'ya noong isang araw at yung mga pilosopiyang napulot n'ya noong mga nagdaang dekada"

***

"Dahil tulad ng internet at text messages, sa mga pinagdugtong-dugtong na salita rin nakikita ang taong sumusulat ng mga libro. ...higit pa yon sa pakikipagkamayan."

***

"Ang maganda sa pag-asa, hindi 'to nakukuha sa 'yo nang hindi mo gusto"

***

"..kahit gago pwedeng gumawa ng mabuti. Hindi bawal yon. ...yung ang isang malaking kalokohan sa mundo ngayon: ang pag-aakala ng mga tao na kailangan mo munang maging mabuti para bumagay sa 'yo ang paggawa ng kabutihan. "

***

"The impulse to keep to yourself what you have learned is not only shameful, it is destructive. Anything you do not give freely and abundantly becomes lost to you. You open your safe and find ashes." Annie Dillard (The Writing Life)

***

"Nangangarap ang tao dahil binigyan siya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n'yang pagbutihin ang pagkatao n'ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s'yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon.."

***

"Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad at tumanda nang walang natututunan - kung puno ka! Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. At sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha."

9 Comments:

Blogger belskie said...

hehehe..nakakatuwa po tlga ung mga libro ni bob ong no..hays mahal lng kc..meron plng ako nung first 2 nya..huhuh..

3:55 PM  
Blogger cath said...

heheh..buti ka pa. ako nanghihiram lang e. maganda yung 'alamat ng gubat'. nakakatawa :D saka mura lang :D

1:03 PM  
Blogger mikko said...

bkit "STAINLESS LONGGANISA" ung title nun??

anung connect??

pero khit ppnu interesting huh..

kC nakakarelate ako sa ibang parts:)

11:36 AM  
Anonymous Anonymous said...

joker talaga tong c bob ong noh
galing .....

6:01 PM  
Anonymous loth said...

hahaha nalilibang talaga ako magbasa nto kweninto lang sa akin nnag kapatid ko na maganda tong libro n bob ong kc halos lahat nabasa na nya nang hhiram cya sa kaibganya maganda rin daw anlibro n hudas balak ko san bumikli kaso mahal eh

12:03 AM  
Anonymous ar-a said...

hey..masayang magbasa ng book ni bob ong. nakakatanggal ng stress. kala ko nga nun eh kaboring.. im perfect wrong pala.

4:26 PM  
Anonymous Anonymous said...

shit. nababaliw ako pag nakaka basa ako ng libro ni bob ong! super
banggag talaga ako...

11:37 AM  
Blogger eralyn said...

grabe! ganda ng mga books ni bob ong.. nkakaloko tlaga., sobrang nakakaaliw..hehe more powers sa knya!

10:22 AM  
Blogger sharcyl said...

meron pa bang stainless longanisa kc nwala q ung nahiram q pati ung ABNKKBSNPLAko?! huhu..meron pb?? i nid 2 buy..collection nya yun ehh...
pls response!

11:15 AM  

Post a Comment

<< Home