Monday, May 15, 2006

over the weekend

wow. tapos na full metal alchemist.

"Humankind cannot gain anything without first giving something in return. To obtain, something of equal value must be lost. That is alchemy's first law of Equivalent Exchange. In those days, we really believed that to be the world's one, and only, truth."

― Alphonse Elric

******
my bro just got married over the weekend. of the siblings, he's the first one to get married.
anyways, over the weekend dumating din si bagyong Caloy. signal no1 sa MM pati sa bulacan. brownout sa min sa bulacan. so kinakasal yung kapatid ko tapos bumabagyo.
nyways ulit, caloy nickname ng youngest sister ko. caloy din name nung pinsan kong isa. variant ata yung caloy ng carlos..pangalan ng lolo kong namatay yung carlos. close siya sa ming magkakapatid. so parang kasama din pala namin lolo ko during the wedding.
at least, may kwento kapatid ko sa mga anak niya na nung kinakasal siya bumabagyo considering mid-May. pwede niyang kwento na daming landslide na nangyari. madaming na-stranded. may mga barkong lumubog sa tabi ng pier. may mga bumagsak na billboard causing brownout sa mga major locations sa MM. na nung dumating yung mga bisita sa bahay namin sa bulacan eh walang ilaw dahil brownout buong araw. na after nung reception, dumiretso sila sa bahay at wala pa ring ilaw.
other things na nangyari:
> mali yung pagbukas ng waiter nung red wine. tumalsik sa white polo nung buypren ng sister ko. na-bad trip siya. punto pa nun, dapat host siya dun sa reception..sa program.
::kaya kinunan namin ng picture yung buypren nung sister ko habang bad trip tapos pinagtawanan namin siya sa harap niya kasi minalas siya
> malamig yung food nung ni-serve
::pero kinain pa rin namin
> sabi ng sister ko iced tea daw yung drinks pero actually coke siya na malabnaw
::buti na lang may bottled water na kasama yung mga inumin at di na nagpa-refill mga tao ng drinks
> tensiyonado yung reception nung umpisa kasi di expected yung kasal nang both parties. kahit friends nung bro ko, mukhang stressed
::lola ko lang yung natutuwa at mukhang masaya kasi nakakalimutan niya kung kaninong kasal yung dinaluhan namin
> hindi nag-usap families nung both parties
::oks lang. baka di rin naman namin makita ulit yung mga yun eh.
> humirit ng speech yung sister ko. tinopak ata. she never liked our new sister-in-law. she didn't like her before. pero she welcomed her into the family during her speech. sinungaling minsan yun pero hindi siya plastik. if she's willing to know the new member of the family, it's likely she meant it.
::oks lang din. now, i won't mind greeting my new in-law. the hell, my brother and she are already married.

overall, think the wedding's ok. wished we stayed longer but we had to go home para ihatid lola ko.

2 Comments:

Blogger zine_key said...

natawa ko rito, ang daming vivid details at intriga...

btw, cathy, alam mo ba yung blog address ni josephine de castro?

1:12 AM  
Blogger cath said...

hi zine_key!! musta. nabasa ko rin yung blog mo.
nyways, di ko alam eh. pero baka si cielo-mello alam. or baka andun sa friendster niya...

7:09 PM  

Post a Comment

<< Home