Tuesday, May 23, 2006

perst taym

wow. pumalpak ako sa presentation ko kanina sa event. to think all the big guys in the industry were there. pero sabi nung mga kaibigan ko oks lang. sa mga ganun, di ko kailangan ang oks lang. gusto ko sana pano ko pwede mag-improve. inis pa ko kasi pinag-aralan ko yung ipi-present ko pero di naman ako umabot sa performance level na gusto ko. masaklap pa dun. di pa ko nag-dinner saka nag-breakfast. di ako nag-dinner last night kasi naghanap ako ng blazer na gagamitin. sa kasawiang palad, 5oophp lang pera ko at wala palang blazer na less than 500. yung aabot lang dun ay naka-sale na size XXX o sablay yung kulay. isang oras akong nag-ikot, nagutom, nabwisit, nalungkot, nainis, na-frustrate. paglabas ko ng mall, yung perang dala ko na di ko ginastos sa ibang bagay eh pinambili ko ng buko pandan. dahil nauhaw ako. inisip ko na lang na performance level na lang ako sa presentation ko. awa ng pagkakataon, palpak din yung presentation ko.

kung minsan talga, natutulala na lang ako sa mga bagay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home