boracay
went to boracay last weekend. yung long weekend. ito yung iba sa mga pictures. siyempre, kuha ko yang mga yan. gusto ko pa mag-upload nung ibang mga kuha ko kaya lang kailangan ko pa magpaalam kasi may kasama ng mukha ng ibang mga tao. sa kanila na ko kailangan magpaalam. nyways, yung 2 lumalangoy sa baba mga kasama ko. eh mukhang di naman halatado yung mga mukha nila kaya assume ako ok lang upload. yung may boat na puti, sa station 1. napalingon lang ako niyan tapos naisip ko parang nakita ko na tong view na to sa isang poster. so kinunan ko para may kopya ako pero kuha ko. tapos, yung may buko, morning yan. tagal kasi lumabas ng mga kasama ko sa mga rooms nila. eh, night before may bumabagabag sa utak ko. isip kong magmuni-muni ng kaunti. di ako nakapagmuni-muni kasi dami mong makikita sa beach. hanggang dumating na yung isang kasama ko, wala akong na-resolba dun sa bumabagabag sa utak ko. 

ngayong nakita ko tong mga pictures, naisip ko na sana pala marami din akong kinunan na di kasama yung mga kaibigan ko. para kung gusto ko mag-upload oks lang dahil di ko kailangan magpaalam. ngayon, ito lang maupload ko. maliban na lang kung upload ko rin yung mga pictures ko na siyempre di ko gagawin. ranting na lang ako ngayon kasi wala na kong kasama rito saka tagal ko ng di nakapag-blog.
ewan ko kung feeling ako pero feeling ko magaling ako kumuha ng pictures. o baka sobrang ganda lang talaga ng lugar. o baka nakikita ko na lang na maganda yung mga bagay-bagay. pero di rin siguro kasi mabilis din akong magsabing pangit ang isang bagay eh. so, sa mga pictures na kinunan ko, marami rin akong pangit na nakunan.
asar. gusto ko pa i-upload yung iba talagang magandang nakunan ko kaya lang kailangan ko na magpaalam. may mga tao na kasing kasama sa mga pictures na yun eh.
note: nasira yung parang nagpo-protect sa lens nung camera ko. bukod dun sa sira sa may battery. sira din pala yung cd na kasama nung camera. in a span of 3 months, kasi april ko lang siya binili, 3 na yung sira dun sa camera. parang sunod sa power requirement dapat ata para sa kin durable yung camera.
tigil na to. iu-upload ko yung link ng mga kuha ko pag na-upload ko na silang lahat. pero siyempre, papaalam ko sa mga kasama ko. ngek. dilemma pala. di pala alam ng karamihan dun na may blog ako....nuhbahtoh..


ngayong nakita ko tong mga pictures, naisip ko na sana pala marami din akong kinunan na di kasama yung mga kaibigan ko. para kung gusto ko mag-upload oks lang dahil di ko kailangan magpaalam. ngayon, ito lang maupload ko. maliban na lang kung upload ko rin yung mga pictures ko na siyempre di ko gagawin. ranting na lang ako ngayon kasi wala na kong kasama rito saka tagal ko ng di nakapag-blog.ewan ko kung feeling ako pero feeling ko magaling ako kumuha ng pictures. o baka sobrang ganda lang talaga ng lugar. o baka nakikita ko na lang na maganda yung mga bagay-bagay. pero di rin siguro kasi mabilis din akong magsabing pangit ang isang bagay eh. so, sa mga pictures na kinunan ko, marami rin akong pangit na nakunan.
asar. gusto ko pa i-upload yung iba talagang magandang nakunan ko kaya lang kailangan ko na magpaalam. may mga tao na kasing kasama sa mga pictures na yun eh.
note: nasira yung parang nagpo-protect sa lens nung camera ko. bukod dun sa sira sa may battery. sira din pala yung cd na kasama nung camera. in a span of 3 months, kasi april ko lang siya binili, 3 na yung sira dun sa camera. parang sunod sa power requirement dapat ata para sa kin durable yung camera.
tigil na to. iu-upload ko yung link ng mga kuha ko pag na-upload ko na silang lahat. pero siyempre, papaalam ko sa mga kasama ko. ngek. dilemma pala. di pala alam ng karamihan dun na may blog ako....nuhbahtoh..

2 Comments:
musta camera mo? :) paayos mo...baka within warranty period pa...
uhm..di pa ayos. natamad pa ko pumunta sa service shop. =)
Post a Comment
<< Home