Friday, June 16, 2006

payong

nasira yung payong ko. yung nafo-fold. di ko matandaan sino bumili nun. ako ata sa halagang 200pesos. maganda siya. kulay blue. dala ko kahit saan. kahit tag-araw. una siyang nasira nung hiniram ng nanay ko. pag balik sa kin, putol na yung isang wire sa loob. akala ko pinaggawa kasi nanghingi ata sa kin nuon ng pera pampagawa...baka ako na ata nakasira ngayon. di ko lang matandaan. nyways, nasira siya ulit.
nagsimula yun nung may OB kami ng ka-opisina ko sa isang kliyente. 4pm yung meeting sa QC. 3:30 na nasa makati pa rin kami. friday yun. hirap kumuha ng taxi. mga 7 taxi na ang nakaraan tapos frustrated na siya kasi siya yung pumapara sa mga taxi na ayaw naman kaming isakay. nung nakasakay kami at malapit na sa QC, nagsimulang umulan. pero oks lang kasi nasa loob na kami ng bldg. nung meeting wala naman akong ginawa. kinain ko lang yung turon ni inihain during the meeting. lakas ng ulan sa labas nun. nagbrown-out pa kasi nag-switch na sa generator yung bldg nang ka-meeting namin. nung pauwi, hirap ulit kumuha ng taxi. suggest nung kasama ko sa may kanto raw kami maghintay, sabi ko sige tutal may payong ako. nung papalakad na kami, halfway na sa kanto, nabanggit ko na pag malakas hangin bumabaliktad payong ko. di ko pa tapos sabihin yun, bumaliktad na nga payong ko. yung nafo-fold. hirit pa kasama ko ba't nun ko lang daw sinabi. so sinara ko agad payong ko tapos binuksan agad. kaya lang nung pagbukas ko, sumabit na sa buhok ko. so sinara ko ulit. at this point, tumakbo na kasama ko sa waiting shed sa kanto. di ko na rin mabuksan payong ko kasi nakadikit na siya sa ulo ko. nung umabot ako sa waiting shed, may cart ng fishball na nakisilong din dun. so, sakop niya halos buong shed. walastik! basa na ko, nakisiksik pa ko sa may fishball cart, tapos hawak ko pa rin payong ko na nakadikit sa ulo ko. irita pa ko kasi maulanan lang ako ng kaunti, sasakit na ulo ko. may jacket ako nun. yung may hood. ang kaso, nakafold siya sa ibabaw ng folder na hawak ng isang kamay ko. di ko siya maabot. anyways, ininform ko kasama ko na nakadikit yung payong sa buhok ko. inform kasi wala naman siyang magagawa sa kondisyon ko. so hinila ko na lang yung payong mula sa ulo ko. simula nun, di ko pa nagagamit yung payong. sira pa rin.
so ano nangyari mula sa waiting shed? hirap ulit kumuha ng taxi. nung nakaupo na kami dun sa isang taxi, sabi nung drayber di raw siya abot ng makati. pagka baba ko, sabi ng kasama kong nakaupo pa rin sa loob ng taxi hatid daw kami hanggang mrt nung taxi. so tawid ulit ako sa ulan pabalik sa taxi. pagdating sa mrt, sira yung elevator. naghagdan kami. nakatitig ako sa paa ko habang tumatapak sa mga mini-puddles. iniisip ko sana walang halong tubig mula kubeta yung mga natatapakan kong tubig. pagdating sa platform, kumakanta na ng through wind and rain, i'll be there yung utak ko. sabi ko sa kasama ko dun kami sa sakayan ng mga babae, dahil di masikip dun. awa ng pagkakataon, dumaan ang mahigit 10minuto, nakatayo pa rin kami sa platform at sinisiksik na ng maraming taong nakaabang din sa tren. pagbaba sa ayala, wala na namang taxi. napilitan kaming bayaran ng mahigit isang daan yung van na naghatid sa min sa bldg namin.
minsan talga, pag malas, malas talaga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home