Thursday, October 18, 2007

theory#2: teoryang bilog ang mundo

napauwi ako ng maaga kagabi dahil ang roommie ko nalimot ang susi niya sa loob ng kwarto. nalimot niya dahil natulala siya sa isang magandang balita. kaya hayun, naiwan siya sa labas. nakatitig sa pinto. nagtataka kung ba't niya na-lock yung pinto pero di niya dala susi niya. naiwan siyang nakaganun, nakatapis ng tuwalya ng humigit kumulang isang oras. nakatayo. later on, dala ng hinagpis at tuwa malamang sa aking pagdating, na spill-out niya ang isang magandang balita na kanyang pinagmumunihan. babalik daw si elke sa opis. :D

si elke ang isa sa mga taong una kong naging kalapit nung pumasok ako sa opisinang to. tahimik, mahina boses, maliit na tao. ang kaso, karaniwang impression na nakukuha ko sa kanya e tila nahuhuli daw siya sa trabaho. pero napatunayan ng panahon, mali ang aking hinala. kung kaya't nabuo namin ni mylai ang isang teorya. ang...

teoryang bilog ang mundo

base sa teoryang ito, in time (na isang mahalagang factor for this theory) mapatutunayan kung sino talga ang dapat mauuna. medyo tweaked sa cinderella story tong theory namin.

gawin nating ehemplo ang isang trabaho. kunwari laitin ka sa work. so sad ka, gusto mo na umalis. nagtataka ka ba't ganun. lagi kang palpak. kung kaya't may pre-requisite siya. ang tortured mode. ang tortured mode ay kondisyon kung saan tila wala ka ng pag-asa at sobrang baba na ng tingin mo sa sarili mo. kailangan maging humble ng isang tao para dumaan sa tortured mode. during the tortured mode, maiispan mong lumisan at umalis. nang ikaw ay umalis, makararanas ka ng habol effect. ito ang gagawin ng kumpanya mo kung sakaling meant na habulin ka. kung hindi to nangyari, ibig sabihin di lubos ang iyong tortured mode. kung nagtagumpay ang habol effect, mararanasan mo ang isang comeback. at yun ang nangyari kay elke. nag-comeback siya bilang isang manager. manager siya ng buong asia-pacific team ng department niya.

sabi ko kay mylai, baka ganun din sa pag-ibig. klangan malumbay ka ng tuluyan, dumaan ka sa tortured mode, lumisan ka para may habol effect from your significant other, at kung sakaling matagumpay, ibig sabihin may comeback.

Labels:

1 Comments:

Blogger aydiseeph said...

ahaahaha gusto ko ang teoryang bilog ang mundo na ito. nag-aagree ako dito.

2:55 PM  

Post a Comment

<< Home