Thursday, March 27, 2008

kwentong bahay

habang nagb-breakfast:

lola ko: bananas are very good for strength..intelligence..and courage.
ako: (hanep..parang words of wisdom ang pagkakabigkas ah..) tapos na po ko. excuse.
lola ko: bananas are very good for strength..intelligence..and courage.
ako: (baka last words niya na to..kaya..)


***********
habang nasa labas ako ng bahay:

lola ko: (nasa loob, umastang ila-lock ang pinto habang nasa labas ako)
ako: lola, wag niyo po lock, andito ko sa labas!
lola ko: ha...??
ako: wag niyo po i-lock, andito po ko sa labas!!
lola ko: ano?
ako: wag niyo po i-lock yung pinto, andito po ako sa labas!!!
lola ko: sino ka?
ako: (nakatayo sa labas. nakaharap sa screen door. kaharap direkta sa lola ko) ako po ito. wag niyo po lock, andito po ko sa labas!
lola ko: nasa labas ka??
ako: opo.
lola ko: sigurado ka andiyan ka?
ako: opo, dito po ako.
lola ko: sigurado ka andiyan ka?
ako: opo.
lola ko: sigurado ka ha. sige..
lola ko: (tumalikod sabay lock ng pinto)

********
mga 3:30am. nagising ako at may kumakatok sa pinto. malakas.

ako: ma, rinig mo yun?
(umasta kong tatayo)
nanay ko: wag mo buksan ang pinto. (dilat na dilat)

sa sala, naririnig ko lola ko nagtatanong.
(lola ko: sino yaann??)
yung mga aso, gising pero tahimik. di sila kumakahol tulad nung mga panahong may tao sa pinto.
pag dating ko sa sala.
..tok. tok tok.
lola ko: sino yaan?
ako. nakatingin lang sa pinto. naghihintay sumagot kung sino man yung kumakatok.
..tok. tok. tok.
lola ko: sino yan?
maya-maya, nasa likod ko na nanay ko. binuksan niya ilaw sa sala. huminto yung pagkatok. di pa rin kumakahol ang mga aso. nakatingin sila sa min parang namamalikmata, nagtataka ba't kami nakatingin sa pinto.
maya-maya, lumingon yung lola ko sa min ng nanay ko at nagsabi..
lola ko: o!?! san pala cr dito?

..hanep..hanep ang lola ko.

di namin nalaman sino yung kumatok. matapos ang ilang araw, nakwento ng nanay ko, bertday yun nung
kumpare nilang namatay na. kasi kwento nung kumare niya...

maagang nagising yung anak niya. magdu-duty sa ospital. pag baba sa sala may naaninag na lalaking nakaupo sa silya pero di niya pinansin. pag baba nung kumare ng nanay ko, naaninag din niya yung lalaki pero di niya rin pinansin. pareho nilang naisip siguro namalikmata lang sila. pag alis nung kumare at nung anak, umakyat yung kasambahay nila para matulog sa isa sa mga kwarto sa taas. maya-maya, may kumatok sa kwarto pero mag-isa na lang siya sa bahay.

di siya nagtrabaho sa electrolux o nagbabahay-bahay para magbenta. di ko alam ba't trip niyang kumatok. siguro mas ok na yun kesa makita mo na lang siya sa kwarto mo, nakatayo, pumasok ng di kumakatok.

Labels:

6 Comments:

Blogger June said...

LOLZ funny! Astig lola mo...mukhang ganyan ka rin ata pagtanda mo ah. Sabi nila generational lang yan...same traits hehe! [peace! ;p]

1:56 AM  
Blogger June said...

Btw i put your blog link on my blog...para more people will know how funny you are hehe! kahit di halata (miss ko na yung mga poker-faced funny stories mo ).

1:59 AM  
Blogger Leo said...

muntik ko nang mabugahan ng kape ang keyboard ko nung mabasa ko ito. haha! ^^

hi cath! musta? buti na lang at nakita ko si dyoonet, nakita na rin tuloy kita. if it's okay, will add you to my links.

ingats!

5:59 PM  
Blogger cath said...

ei junet, oo. ganyan lola ko. at napagkakamalan niya kong labandera sa bahay na siguro oks lang dahil napagkakamalan naman niyang katulong yung kapatid kong bunso. haay.. :D
heheh...
anyways, di ako funny. napapaisip lang ako sa mga ganung incidents. :D

uy leo, musta na? oks lang. add din kita rito ha :D

8:00 PM  
Blogger aydiseeph said...

hahaha, i enjoyed this post a lot, khit naiwento mo na ung iba haha.

1:15 PM  
Blogger xieurx said...

kulit ng lola mo. hehehe.

11:49 PM  

Post a Comment

<< Home