DFA passport appointment- online
nakakatuwa.
alam mo ba na pwede ka ng makipag-appointment sa DFA kung kelangan mo ng passport o kelangan mo ng renewal of passport?
tandaan: para lang siya sa mga applicants sa maynila. at dapat filled-out lahat ng boxes.
nag-submit ako ng online application, within 5min may natanggap akong reply na natanggap nga nila yung submission ko. within 2hrs may schedule na ko. friday yun, yung schedule ko ay 9-10am nang sumunod na tuesday. siguro december kaya mabilis agad ang schedule ko? di ko alam.
anyway, ni-download ko na rin yung form mula sa website. nakatulong ito dahil diniretso na ko sa gate ng DFA at di na kinulit pa nung mga sumasalubong na nago-offer ng pa-picture. sila yung mga nakapaligid sa entrance ng DFA na nagd-determine kung ok ang picture mo. actually, 2 ang nagsabing mali ang picture ko. mashado raw mapula, yung isa mali raw background color ko. kung anuman, hinayaan ko lang sila at dumiretso na sa gate 2. hindi gate 3 kung saan pumapasok yung walang mga appointment kundi sa gate 2. pagpasok sa gate 2, may bench na "Special Lane (Appointment only)". medyo 1/2 oras din ako pumila dun. tapos paying na at encoding. ma-tsika yung encoder, friendster na ata kami ngayon.
yun lang. gumagana pala yung online appointment scheduling ng DFA. nakakatuwa :)
Labels: how to's

2 Comments:
hello! thank you sa link ha. kasi hindi ko makita itong link sa index page ng DFA e. sana gumagana pa rin. thanks din sa mga tip!
aiMz
hi aiMz! :)
walang anuman. sana matagumpay ka sa pagkuha ng passport.
di ko na madagdag sa entry ko pero yung kasama ko na-schedule naman ng saturday. online application lang din. nun ko lang nalaman may scheduling pala ng sabado. :)
Post a Comment
<< Home