Tuesday, December 30, 2008

lagnat at matatamis

whahahahahaha!!! haay...
dunno why pero nagkalagnat na naman ako. meron akong mga theories:
1) di tumigil ang pagubo ko. and, to assuage (naks, assuage..) the coughing spree, i took some sweets..nope..they were actually candies. i ate some candies. sa simbahan pa lang nakatatlo na ko. pag dating sa bahay mga 2. bago ko matulog may sore throat na ko. kinabukasan, lagnat. ngayon tuloy naalala ko bakit di ako mahilig sa matatamis tulad ng kendi. sumasakit lalamunan ko pag nasobrahan. at pag sumakit lalamunan ko, diretso lagnat na yun.
yun, bukod pala sa dahilang nakita ko lolo ko nuon nung may diabetes siya. lagi siyang takas kumain ng matamis. isip ko parang hassle ata yun. ang di makakain ng mga bagay na gusto mo ng may laya.
2) nagj-jogging ako habang buhat-buhat ko ang 1yr old pamangkin ko. first time ko magbuhat ulit ng medyo mabigat. ng matagal. ng tumatakbo. baka nabigla ulit katawan ko? na naman??
3) naambunan ako nung nanood kami ng fireworks sa mall of asia. pero kasama namin yung mga pamangkin kong paslit. so di ba dapat mas nauna silang magkasakit?
4) nakipaglaro ako kay kurt ng basketball. di ako nagkasakit dahil sa paglalaro, kungdi dahil sa shock. sinubukan kong magpakitang gilas sa 2yr old pamangkin ko na wala naman talgang pakelam sa basketball skills ko. naglalaro kami sa garahe. binato ko yung bola, tumama sa fluorescent light, nahulog yung fluorescent light kasama yung housing niya, muntik ng madaplisan si kurt. hindi nag-shoot yung bola.
buti na lang di sumabog yung ilaw kundi emergency si kurt nun. buti na lang di rin siya nadaplisan.
baka i went through some shock kaya ako linagnat. psychosomatic ika nga.
anyways, kung anuman, tila hobby ng katawan ko ngayon ang magkalagnat.
a safe, healthy, and a happy new year sa lahat. :)

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home